Biyernes, Enero 6, 2012

Bayaning 3rd World - Reaction paper


Pastores, Tiffany Rae R.
II-5 BEEd
Prof. Armi Evangel Pena
Rizal and his works
Reaction Paper
“Bayaning Third World”
“Si Pepe ay si Pepe”

“Ang pelikulang ito ay tungkol sa paggawa ng pelikula tungkol kay Jose Rizal. Nothing is taken for granted pati ang pagkabayani mismo ng National Hero. Kung kasalanan ang pagduduhan ang pagkabayani ni Rizal, mukhang magkakasala kami sa pelikulang ito.”
Ang aking mga nabanggit ay ang mga unang sinabi sa pelikulang “Bayaning Third World”. Natuwa ako nang marinig ko ito bilang paunang panimula. Parang magugustuhan kong panuorin ito dahil tungkol ito kay Rizal at mukhang kapanapanabik ang magiging takbo ng istorya. Maaari ang layunin nito ay upang tuligsain ang mga pangyayari sa buhay ni Rizal lalo na tungkol sa kanyang pagkabayani.
Nagumpisa ang kwento sa tanung na “Sino/ano si Rizal?” “Siya ang National hero. The first Filipino-indio Bravo” Iyan ang sagot ng aktor sa tanung na ito. Tama nga naman siya kasi maski ako iyon din ang sagot at pati na rin kung sino mang Pilipino ang tanungin ng ganyan. Maliban na lang kung direct descendant ka o napatunayan mo na related ka dahil ikaw ang anak ng asawa ng pinsan ng asawa ni o anak ng anak ng anak ng isa sa mga kapatid ni Rizal ay maari mo siyang matawag na Lolo Rizal.
4’11” lang ang height daw ni Rizal pero sobrang galing niya at sobrang talino pa. Walang duda kung bakit ang daming naghihinala sa kanyang pagkabayani. Maliit nga siya sa taas ng katawan ngunit isang napakalaking Rizal ang kanyang naiguhit at naisulat sa kasaysayan. Nakakamangha mang isipin pero ganoon nga yung nararamdaman ko ngayon para kay Rizal.
Piso. Diyan nga matatagpuan si Rizal. Nakalipas man ang madaming dekada pati ang mga taong namumuno dito sa Pilipinas, nananatili pa ding nasa piso si Rizal. Sa modernong pagaanalisa o pagiintindi, tinuturing numero uno pa rin si Rizal ng mga kapwa kong Pilipino. At dahil tinitingala siya ng mga kababayan ko, nakakagulat malaman na isununod sa kanyang pangalan ang halos karamihan sa mga gawang Pinoy.
Dito ko lang din nalaman na nuong nagtatag ng sariling simbahan si dating Bishop Gregorio Aglipay, ginawa niyang santo si Dr. Jose Rizal. Naging paranoid din kasi ang simbahang Katoliko sa pagkabayani ni Rizal. Nakakagulat malaman na nangyari pala ang mga bagay na iyon. At nang dahil dito, may namuong mga relihiyosong grupo na sumasamba sa kadakilaan ni Rizal. Mas lalo akong natawa nang margining ko ang aktor na tinawag niya si Rizal ng San Jose Rizal.
Sumasang-ayon naman ako sa sinabi ng mga aktor na dahil sa pagbaril kay Rizal, napatalsik ang mga konyo boys na pinalitan ng amerikan boys na pintalsik ng mga honda boys na pinatalsik ulit ng mga amerikan boys. Kaya ayun! Nagwagi tayo. Nagwagi ang lahing Pilipino – ang lahing pinagmulan ni Rizal. Ikinagulat ko din naman ang nalaman ko na may aso pa lang tumakbo at umaligid kay Rizal nang mamatay siya.
“Ang isang bansang walang bayani ay isang bansang walang kasaysayan”
Sa mga linyang iyan na sinabi ng isang binata sa pelikula ay tinututulan ko. Ito ay sa kadahilanan na hindi porket wala tayong bayani ay wala na din tayong kasaysayan sapagkat mayroon tayong mga sinaunang mga katutubo na naninirahan sa Pilipinas bago pa lamang dumating sila Rizal maski ang mga Espanyol.
Pero, siguro, kaya lamang iyan nasabi ay upang ipaalam sa atin na kung wala tayong bayani, walang magagawang pananaliksik at kung walang magagawang pananaliksik, hindi matutuklasan ang anumang pangyayari sa ating bayan. Ang mga magiging pananaliksik na iyon ang magiging batayan natin tungkol sa ating Kasaysayan.
Kung ang sasabihin nila na andiyan naman si Bonifacio at pinilit lamang tayo ng mga Amerikano na piliin si Rizal bilang ating bayani, hay naku! Diyan ako makikipagtalo at handang magkaroon ng pananaliksik para ipagtanggol si Rizal. Hindi naman sa ayaw ko kay Bonifacio at hindi din naman dahil sa populyar si Rizal. Sa tingin ko lamang ay mas nagging makabuluhan ang layunin ni Rizal kung paano niya ikakalas ang Pilipinas sa Espanya. Ginamit ni Rizal ang kanyang kakayahan sa pagsusulat at ang kanyang angking talino upang tuligsain ang gobyerno ng mga Espanyol. Gusto ni Rizal na hindi magkaroon ng madugong pakikipaglaban laban sa mga Espanyol. Gusto niyang idaan ito sa maayos na pamamaraan upang ipagtanggol tayo sa pamamagitan ng pagkamit ng bawat mamamayan Pilipino ng Edukasyon. At kapag nakuha na ng halos karamihan ang kaalamang nararapat para sa kanila, doon maguumipsa ang pagnananais na pakikipaghiwalay sa Espanya. Sa pakiramdam ko, kung ginamit tayo ng Espanya mas mabuti na ding gamitin na natin sila.
Muli ulit akong natuwa nang sinubukan ulit nilang tanungin ang mga sarili nila tungkol kay Josephin Bracken, ang babaeng minahal ni Rizal noong ipinatapon siya sa Dapitan. Si Josephin daw ay nagging isang mananayaw sa Hongkong kung saan nanatili si Rizal. Marahil siguro dun sila nagkakilala at nagkasabay lamang sila ng pagpunta o pauwi dito sa Pilipinas. Naitanung muli nila kung si Binibing Bracken ba ay nagging isang inspirasyon o isang panggulo para kay Rizal. At hindi lang iyon, mas ikinatuwa ko na naman na marinig nung sinabi nilang ano ang nangyare sa kanya nung namatay si Rizal – kung ito daw ba ay umalis o nanatili dahil sa karangalan sapagkat ang kanyang minamahal ay nagging isang bayani.
Nadagdagan din aking nalalaman nang margining ko galing sa pelikula na si Josephin ay hindi tanggap ng pamilya ni Rizal maliban na lang kay Narcisa. Ang nagging dahilan kasi ng hindi pagtanggap ng pamilya ni Rizal kay Josephine ay dahil hindi sila ikinasal ni Rizal ngunit nagsasama sila. Isa pang dahilan ay marahil siya raw ay isang espiya ng mga prayle. Ngunit pinabulaan ito ni Josephin. Mahal niya daw talaga si Rizal at minahal niya talaga ito ng totoo. Sa palagay ko, si Rizal yata ang nagpauso ng Live-in dito sa Pilipinas dahil hindi sila nagpakasal ni Bracken. Nagsama lamang kasi sila at nagkaruon ng anak.
Kung ako ang tatanungin, base sa napanuod ko, makulit at pilya si Bracken.
Pilit na hinahanap ng mga aktor ang sagot sa kanilang mga katanungan at mga ebidensya para sa kanilang mga pagdududa. Para sa akin, nakuha ko na ang sagot sa aking pagdududa. Hindi man malinaw pero katanggap-tanggap naman malaman mismo kay Narcisa, kapatid ni Rizal, ang sagot na “Si Pepe ay si Pepe.” Sabagay, hindi natin masisisi si Rizal sa mga ginawa niya at binalak niyang gawin. Maski din naman kasi tayo ganun ang kadalasang ginagawa. Tayo lamang ay nakikinig sa  mga payo nang iba pero maari naming tayong mamili kung susundin ba natin iyon o gagawa tayo ng sarili nating hakbang at desisyon.
Itong pelikulang ito ay tungkol sa pagkabayani ni Rizal, sa kanyang mga ginawa, ang laban niya sa gobyerno ng mga Espanyol, ang kanyang buhay kasama si Josephin Bracken, ang kanyang retraksyon o pagbabalik katoliko, at ang nagging epekto niya sa bawat Pilipino. Ito ay isang kabigha-bighaning pelikula kung saan ipinaparating sa buong mamamayang Pilipino na pare-parehas lang ang mga pagdududa natin, na halos lahat tayo ay nagdududa, magdududa sa pagkabayani ni Rizal, na maraming maaring kasagutan upang bigyang tiwala ang mga ginawa ni Rizal.
Maaring isipin ng iba na ito ay isang bias na pelikula na kakaunti lamang ang nilabas ng mga negatibong bagay tungkol kay Rizal at pawang mga mababaw lamang na pwedeng masagot ng walang kahirap-hirap. Ngunit, subalit, datapwat, ako ay handang magsalita sa ngalan ng pelikulang ito. Ito ay sa kadahilanan na napakahirap gumawa ng ganitong pelikula sapagkat kailangan munang mangalap ng mga totoong ebidensya para lamang mapatunayan ang mga ginawa at sinabi ni Rizal. At kung hindi nila iyon gagawin, maaring mas maraming tao ang mas tumaligsa sa kanila kaysa kay sa pagkabayani ni Rizal.
Ika nga nila, “Kanya-kanyang Rizal,” Ibig sabihin, may sari-sarili at iba’t ibang istorya ang mga istoryador tungkol sa talagang pagkabayani ni Rizal.

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento