Biyernes, Enero 6, 2012

Reaction Paper - Rizal sa Dapitan


Pastores, Tiffany Rae R.
II-5 BEEd
Prof. Armi Evangel Pena
Rizal and his works
Reaction Paper
“Rizal sa Dapitan”

“Noon hanggang sa kasalukuyan”

            Wala ng sasakit pa sa isang ina ang mamatayan ng anak na una ay ipinatapon sa kung saan.
            Iyan ang naramdaman ng isang Teodora Agoncillo sa pagkawala ng kanyang anak. Labis ang kalungkutan ang dumapo sa kanyang pangangatawan.
            Sa umpisa ng pelikulang ito ay may mga pangyayaring na hindi ko maintindihan. Hanggang sa ipakita ang kawawang ina ni Rizal.
            Ngunit nalito ako nang may ipakita na may inililibing at tila hinahanap ng isang babae at pagkatapos nuon ay biglang ipinakita si Rizal noong unang gabing ipinatapon siya sa Dapitan.
            Ang unang impresyon ni Rizal? Malungkot ang Dapitan. Ngunit ito ay pinabulaan ng isang heneral. Sinabi niya na hindi malungkot ang Dapitan kung hindi, ito ay tahimik at mapaya. Walang gulo. Kung ako naman ang tatanungin, papanig ako sa sinabi ng heneral. Dahil kung ang isang taong kagaya ni Rizal na madami ang poblema, mas mapapalagay ang kanyang isipan sa isang maaliwalas at mapayapang lugar. Isang paraiso para sa mga namomoblema.
            Isa-isa ding binanggit ni Rizal ang kanyang mga ninanais na reporma para sa Pilipinas- ang dahilan kung bakit siya ay nagbalik dito sa bansa kapalit ng kaligtasan niya sa Europa. Kaya naman idolo ko si Rizal dahil sa kanyang mga balak na gawin para sa mga Pilipino na hindi maintindihan ng iba. Una na dito ay ang pagkakaruon ng kinatawan ng mga Pilipino para maipaabot sa hari ng Espanya ang mga hinanaing ng mga Pilipino. Pangalawa, ang pagbabawas ng pangingialam ng mga prayle sa mga ginagawa ng mga tinatawag nilang indio. Ngunit ito ay napakahirap makuha o makamtan sapagkat malakas at makapangyarihan ang pagkakakapit ng mga prayle sa ating bansa.
            Natuwa din ako ng makita ko sa pelikulang iyon ang mga pinagkaabalahan ni Rizal sa Dapitan. Nakapagtanim siya doon ng mga iba’t-ibang klaseng mga puno at nakagawa siya ng daluyan ng tubig mula sa sapa hanggang sa kanyang taniman gamit ang mga dugtong-dugtong ng mga kawayan. O ‘di ba? Ang galing talaga ni Rizal at sadyang kamangha-mangha talaga ang kanyang mga ginawa.
            Ang isa din sa pinagkaabalahan ni Rizal ay ang pagbibigay edukasyon sa mga batang hindi nakakapasok sa paaralan sa kabayanan ng Dapitan. Kahit pilit na sinisiraan ng prayleng tagapamahala sa lugar na iyon ang pagkukusang-loob ni Rizal, ang mga mamamayan na naktira doon ay desidido pa din na ipasok ang kanilang mga anak sa eskwelahaan ni Rizal sapagkat naniniwala sila na tanging ang edukasyon lamang ang kanilang maipapamana sa kanilang mga anak.
            Ako, bilang isang pang-kinabukasang guro, pipiliin ko din na manilbihan kahit saglit na panahon sa mga batang walang kakayahan ang mga magulang na pag-aralin sila sa paaralan. Sapagkat, bilang isang guro, tungkulin ko ang magbigay kaalaman sa mga bata o maski sa mga taong walang nalalaman. Kung tunay kang guro, magsisilbi ka kahit na wala itong kapalit na kung ano pa man.
            Masakit na balita ang suamlubong sa mabuting tanung ni Rizal sa kanyang ina at ilang mga kapatid nang nagsipunta ang mga ito sa Dapitan. Naitanung ni Rizal kung kamusta na si Leonor, ang pinsan na kanyang kauna-unahang minahal. Ang tumambad sa kanyang kasagutan ay ang pagkamatay ng babaeng kanyang iniirog.
            Isang natatanging pag-ibig din ang namuo sa oras na pananatili niya sa Dapitan. Doon niya nakilala si Josephine Bracken, ang kahuli-hulihang babae sa buhay ni Rizal. Kamangha-mangha ang kanyang kagandahan. Isang babeng di matutularan ang ganda. Sa kanyang kagandahan ay hindi niya nakuha ang luob ng mga kapatid ni Rizal. Dahil sa bigat ng nararamdaman ang bata sa kanyang sinapupunan ay namatay. Ang nagiisang anak ni Rizal ay namatay.
            Siguro kapalaran na rin iyon para kay Rizal at sa bata. Ito ay para na rin na hindi dumanas ng hirap at pang-aapi ang bata dahil sa mga pinaggagawa ng kanyang ama, ang pagsasama ng kanyang ama at ina ng hindi sila ikinakasal at maski sa ilalim ng mga prayle ay mkakatikim siya ng pagdudurusa.
            At bago matapos ang pelikula, ako ay naiyak sa ipinakita ng mga bata o estudyante ni Rizal. Maski sino mang guro ay mamangha at malulungkot kapag ang mga tinuruan mo ay nakita mong pinahahalagahan ang lahat ng ginawa moh para sa kanila.
            Hinaplos ng pagmamahal ni Rizal ang bawat mamayan sa Dapitan. Hindi lamang doon at noon kundi maski na rin sa buong isla ng Pilipinas simula noon hanggang sa ka

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento