Pastores,
Tiffany Rae R.
II-5 BEEd
Prof. Armi Evangel Pena
Rizal and his works
Reaction Paper
“Bayaning Third World”
“Si
Pepe ay si Pepe”
“Ang
pelikulang ito ay tungkol sa paggawa ng pelikula tungkol kay Jose Rizal.
Nothing is taken for granted pati ang pagkabayani mismo ng National Hero. Kung
kasalanan ang pagduduhan ang pagkabayani ni Rizal, mukhang magkakasala kami sa
pelikulang ito.”
Ang
aking mga nabanggit ay ang mga unang sinabi sa pelikulang “Bayaning Third World”.
Natuwa ako nang marinig ko ito bilang paunang panimula. Parang magugustuhan
kong panuorin ito dahil tungkol ito kay Rizal at mukhang kapanapanabik ang
magiging takbo ng istorya. Maaari ang layunin nito ay upang tuligsain ang mga
pangyayari sa buhay ni Rizal lalo na tungkol sa kanyang pagkabayani.
Nagumpisa
ang kwento sa tanung na “Sino/ano si Rizal?” “Siya ang National hero. The first
Filipino-indio Bravo” Iyan ang sagot ng aktor sa tanung na ito. Tama nga naman
siya kasi maski ako iyon din ang sagot at pati na rin kung sino mang Pilipino
ang tanungin ng ganyan. Maliban na lang kung direct descendant ka o napatunayan
mo na related ka dahil ikaw ang anak ng asawa ng pinsan ng asawa ni o anak ng
anak ng anak ng isa sa mga kapatid ni Rizal ay maari mo siyang matawag na Lolo
Rizal.
4’11”
lang ang height daw ni Rizal pero sobrang galing niya at sobrang talino pa.
Walang duda kung bakit ang daming naghihinala sa kanyang pagkabayani. Maliit
nga siya sa taas ng katawan ngunit isang napakalaking Rizal ang kanyang
naiguhit at naisulat sa kasaysayan. Nakakamangha mang isipin pero ganoon nga
yung nararamdaman ko ngayon para kay Rizal.
Piso.
Diyan nga matatagpuan si Rizal. Nakalipas man ang madaming dekada pati ang mga
taong namumuno dito sa Pilipinas, nananatili pa ding nasa piso si Rizal. Sa
modernong pagaanalisa o pagiintindi, tinuturing numero uno pa rin si Rizal ng
mga kapwa kong Pilipino. At dahil tinitingala siya ng mga kababayan ko,
nakakagulat malaman na isununod sa kanyang pangalan ang halos karamihan sa mga
gawang Pinoy.
Dito
ko lang din nalaman na nuong nagtatag ng sariling simbahan si dating Bishop
Gregorio Aglipay, ginawa niyang santo si Dr. Jose Rizal. Naging paranoid din kasi
ang simbahang Katoliko sa pagkabayani ni Rizal. Nakakagulat malaman na nangyari
pala ang mga bagay na iyon. At nang dahil dito, may namuong mga relihiyosong
grupo na sumasamba sa kadakilaan ni Rizal. Mas lalo akong natawa nang margining
ko ang aktor na tinawag niya si Rizal ng San Jose Rizal.
Sumasang-ayon
naman ako sa sinabi ng mga aktor na dahil sa pagbaril kay Rizal, napatalsik ang
mga konyo boys na pinalitan ng amerikan boys na pintalsik ng mga honda boys na
pinatalsik ulit ng mga amerikan boys. Kaya ayun! Nagwagi tayo. Nagwagi ang
lahing Pilipino – ang lahing pinagmulan ni Rizal. Ikinagulat ko din naman ang
nalaman ko na may aso pa lang tumakbo at umaligid kay Rizal nang mamatay siya.
“Ang
isang bansang walang bayani ay isang bansang walang kasaysayan”
Sa
mga linyang iyan na sinabi ng isang binata sa pelikula ay tinututulan ko. Ito
ay sa kadahilanan na hindi porket wala tayong bayani ay wala na din tayong
kasaysayan sapagkat mayroon tayong mga sinaunang mga katutubo na naninirahan sa
Pilipinas bago pa lamang dumating sila Rizal maski ang mga Espanyol.
Pero,
siguro, kaya lamang iyan nasabi ay upang ipaalam sa atin na kung wala tayong
bayani, walang magagawang pananaliksik at kung walang magagawang pananaliksik,
hindi matutuklasan ang anumang pangyayari sa ating bayan. Ang mga magiging
pananaliksik na iyon ang magiging batayan natin tungkol sa ating Kasaysayan.
Kung
ang sasabihin nila na andiyan naman si Bonifacio at pinilit lamang tayo ng mga
Amerikano na piliin si Rizal bilang ating bayani, hay naku! Diyan ako
makikipagtalo at handang magkaroon ng pananaliksik para ipagtanggol si Rizal.
Hindi naman sa ayaw ko kay Bonifacio at hindi din naman dahil sa populyar si
Rizal. Sa tingin ko lamang ay mas nagging makabuluhan ang layunin ni Rizal kung
paano niya ikakalas ang Pilipinas sa Espanya. Ginamit ni Rizal ang kanyang
kakayahan sa pagsusulat at ang kanyang angking talino upang tuligsain ang
gobyerno ng mga Espanyol. Gusto ni Rizal na hindi magkaroon ng madugong
pakikipaglaban laban sa mga Espanyol. Gusto niyang idaan ito sa maayos na
pamamaraan upang ipagtanggol tayo sa pamamagitan ng pagkamit ng bawat mamamayan
Pilipino ng Edukasyon. At kapag nakuha na ng halos karamihan ang kaalamang
nararapat para sa kanila, doon maguumipsa ang pagnananais na pakikipaghiwalay
sa Espanya. Sa pakiramdam ko, kung ginamit tayo ng Espanya mas mabuti na ding
gamitin na natin sila.
Muli
ulit akong natuwa nang sinubukan ulit nilang tanungin ang mga sarili nila
tungkol kay Josephin Bracken, ang babaeng minahal ni Rizal noong ipinatapon
siya sa Dapitan. Si Josephin daw ay nagging isang mananayaw sa Hongkong kung
saan nanatili si Rizal. Marahil siguro dun sila nagkakilala at nagkasabay
lamang sila ng pagpunta o pauwi dito sa Pilipinas. Naitanung muli nila kung si
Binibing Bracken ba ay nagging isang inspirasyon o isang panggulo para kay
Rizal. At hindi lang iyon, mas ikinatuwa ko na naman na marinig nung sinabi
nilang ano ang nangyare sa kanya nung namatay si Rizal – kung ito daw ba ay
umalis o nanatili dahil sa karangalan sapagkat ang kanyang minamahal ay nagging
isang bayani.
Nadagdagan
din aking nalalaman nang margining ko galing sa pelikula na si Josephin ay
hindi tanggap ng pamilya ni Rizal maliban na lang kay Narcisa. Ang nagging dahilan
kasi ng hindi pagtanggap ng pamilya ni Rizal kay Josephine ay dahil hindi sila
ikinasal ni Rizal ngunit nagsasama sila. Isa pang dahilan ay marahil siya raw
ay isang espiya ng mga prayle. Ngunit pinabulaan ito ni Josephin. Mahal niya
daw talaga si Rizal at minahal niya talaga ito ng totoo. Sa palagay ko, si
Rizal yata ang nagpauso ng Live-in dito sa Pilipinas dahil hindi sila
nagpakasal ni Bracken. Nagsama lamang kasi sila at nagkaruon ng anak.
Kung
ako ang tatanungin, base sa napanuod ko, makulit at pilya si Bracken.
Pilit
na hinahanap ng mga aktor ang sagot sa kanilang mga katanungan at mga ebidensya
para sa kanilang mga pagdududa. Para sa akin, nakuha ko na ang sagot sa aking
pagdududa. Hindi man malinaw pero katanggap-tanggap naman malaman mismo kay Narcisa,
kapatid ni Rizal, ang sagot na “Si Pepe ay si Pepe.” Sabagay, hindi natin
masisisi si Rizal sa mga ginawa niya at binalak niyang gawin. Maski din naman
kasi tayo ganun ang kadalasang ginagawa. Tayo lamang ay nakikinig sa mga payo nang iba pero maari naming tayong
mamili kung susundin ba natin iyon o gagawa tayo ng sarili nating hakbang at
desisyon.
Itong
pelikulang ito ay tungkol sa pagkabayani ni Rizal, sa kanyang mga ginawa, ang
laban niya sa gobyerno ng mga Espanyol, ang kanyang buhay kasama si Josephin
Bracken, ang kanyang retraksyon o pagbabalik katoliko, at ang nagging epekto
niya sa bawat Pilipino. Ito ay isang kabigha-bighaning pelikula kung saan
ipinaparating sa buong mamamayang Pilipino na pare-parehas lang ang mga
pagdududa natin, na halos lahat tayo ay nagdududa, magdududa sa pagkabayani ni
Rizal, na maraming maaring kasagutan upang bigyang tiwala ang mga ginawa ni
Rizal.
Maaring
isipin ng iba na ito ay isang bias na pelikula na kakaunti lamang ang nilabas
ng mga negatibong bagay tungkol kay Rizal at pawang mga mababaw lamang na pwedeng
masagot ng walang kahirap-hirap. Ngunit, subalit, datapwat, ako ay handang
magsalita sa ngalan ng pelikulang ito. Ito ay sa kadahilanan na napakahirap
gumawa ng ganitong pelikula sapagkat kailangan munang mangalap ng mga totoong
ebidensya para lamang mapatunayan ang mga ginawa at sinabi ni Rizal. At kung
hindi nila iyon gagawin, maaring mas maraming tao ang mas tumaligsa sa kanila
kaysa kay sa pagkabayani ni Rizal.
Ika
nga nila, “Kanya-kanyang Rizal,” Ibig sabihin, may sari-sarili at iba’t ibang
istorya ang mga istoryador tungkol sa talagang pagkabayani ni Rizal.
wow
TumugonBurahinA big help.
TumugonBurahin